Friday, May 20, 2016

Get Upclose and Personal with Rita a.k.a #BadjaoGirl

"The viral photos of a beautiful Badjao caught on camera during the annual Pahiyas Festival has become one of the most recent stars in the internet world. Topher Burgos, the photo owner shared the photos to a Facebook group Nikon Pilipinas, and later shared by a popular Facebook page, Random Photos."


Siya po si Rita Gabiola o mas kilala sa tawag na Badjao Girl na unang nakita sa Facebook post sa Nikon Pilipinas na viral ngayon. Umani po ito ng ibat-ibang reaksyon bagamat marami sa kanila ang humanga sa kaniyang kagandahan. 

Nakakatuwa po at nakakataba ng puso sapagkat ang hilig ni Sir Topher sa photography ang nagbigay daan upang tumuklas ng mga bagay na hindi lang nakikita ng mata subalit nasasalamin ang “lalim” sa pamamagitan ng camera. Isa lang po siya sa mga kabataang Badjao na ang pangunahing pinagkakakitaan ay panglilimos ng barya. Subalit kung lalaliman natin ang sa kanila’y pagkilala, meron din po silang pangarap na nais matupad sa kabila ng kanilang kalagayan.

Ang kaniya pong ama ay pangingisda lamang ang ikinabubuhay at kadalasan ang nahuhuling isda ay tanging pansarili lamang nila (personal consumption). At ayon na rin sa kaniyang ama ay pipiliting igapang si Rita (grade 6 sa pasukan) at apat pang nakababatang kapatid para mapag-aral at mapatapos pa. Subalit maaaring sa kakapusan at kalagayan sa buhay ay manatili na lang itong pangarap nila. 

Nang aming tanungin kung ano ang gusto ni Rita kung sakaling merong isang bagay na hihilingin na magkaron siya, umaasa kami na material na bagay gaya ng cellphone, bagong damit, laruan o iba pa ang kaniyang babanggitin subalit ang makapagtapos ng pag-aaral para “maiahon sa kahirapan” ang kaniyang pamilya ang paulit-ulit niyang sinabi sa amin. Pangarap niyang maging guro dahil ayon na rin sa kaniya, gusto niyang matulungan ang mga ka-tribo niyang Badjao na mga bata na maturuan kung maging ganap na teacher na siya. 

Ginawa po nila ang pagpapakilalang ito kay Rita sapagkat nais namin na maunawaan ng lahat na layunin namin na hindi lang matulungan si Rita kundi sa pamamagitan nito ay magkaroon ng katuparan ang kaniyang pangarap. Gusto po sana nila na wag lang matapos at lumagpas sa kaniya ang kasikatan na ito bilang si Badjao Girl na kailangang bigyan ng limos at pagkain dahil mas makabubuti po na pang habang-buhay ang maibigay na tulong sa kanya at kaniyang pamilya. Na balang araw pag nagtagumpay si Rita eh siya ang unang-unang tutulong sa mga kagaya niya. Gusto po sana nila na makita si Rita bilang isang guro balang-araw. Hindi po madali, subalit hindi rin po imposible gaya ng pag-viral ng kaniyang picture sa social media sa pamamagitan na rin ng tulong nyo na aming mga kaibigan at mga taong positibo ang pananaw sa buhay, at mapagmahal sa kapwa. 

Kung kaya sa mga nais po na makatulong, inihahanda na po nila sa tulong na rin ng ilang mga kaibigan kung paano bubuuhin ang “tamang” pagtulong sa kaniya sa pagkakaroon ng katuparan ng pangarap niya… Kung nais nyo pong tumulong sa kanya, maaaring hanapin si Sir Topher Quinto Burgos sa facebook. 



By the way, she's only 15 years old, and single. :)

Share po natin upang matulungan natin syang maabot niya ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kanyang pag-aaral.

‪#‎tophergrapher‬ ‪#‎badjaogirl‬ ‪#‎beautyslayer‬







© Topher Quinto Burgos and Nikon Pilipinas (text and photos)

© Evelyn Jane M. Ana (photos)

© Jewel Faye Montealegre (photos)

1 comment:

  1. How do you get in touch with her Family?

    ReplyDelete